The Dispassionate Man

Pormal nang iprinoklama kahapon ng umaga ng Board of Canvassers si Mayor Enrico “Recom” Echiverri matapos itong muling mahalal na alkalde sa lungsod ng Caloocan.  Si Echiverri ay lamang ng 37,303 boto laban sa kalaban nitong si Representative Luis “Baby” Asistio. 

Kung saan ang na-re-elect na alkalde ay nagtamo ng 139,539 boto samantalang si Asistio ay naka­kuha naman ng botong 102,236.  Ayon sa mga opisyal Board of Canvassers, ang tatlong statements of votes (SOV) ay hindi pa nabibilang, subalit hindi aniya ito makakaapekto sa kabuuang resulta ng canvassing. Ka­sama nitong iprinoklama si re-elected Vice Mayor Luis “Tito” Varela, dating basketball player ng Crispa. (Lordeth Bonilla)

Show comments