You glow, girl
Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang pulis matapos na matagpuang may tama ng bala sa sentido sa rooftop ng gusali ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) compound, kahapon ng umaga.
Kinilala ni SPO1 Priscillo Prigne, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division ang nasawi na si SPO2 Edgardo Domingo, 47, may-asawa, ng #2349-B Crisalita Street, San Andres Bukid, Maynila. Nabatid na security aide ni Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Anselmo Avenido ang naturang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4 ng madaling-araw sa rooftop ng apat na palapag na gusali ng PDEA sa may
Nabatid na isang putok ng baril ang umalingawngaw at ilang sandali pa ay nadiskubre naman nina PDEA agent PO2 Benjamin Domingo at isang SPO1 Astillero ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo. Mismong si Avenido ang tumawag sa QCPD-Scene of the Crime Operatives upang rumesponde sa insidente. Nadiskubre na nasawi si Domingo dahil sa tama ng bala sa kanang sentido na tumagos sa kabilang bahagi ng ulo. Narekober rin ang kalibre .45 baril na ginamit sa naturang insidente.
Ayon kay SPO1 Prigne, lubha umanong naapektuhan ang biktima sa balita na iniipit ng National Police Commission ang kanyang promosyon na matagal nang nakabimbin. Nagyaya pa itong mag-inuman sa mga kasamahan at paulit-ulit na binabanggit ang kanyang problema at mga dokumento na kailangan upang hindi ito ma-demote.
Duda naman si Avenido na magpapakamatay ang kanyang security aide dahil lamang sa problema sa kanyang mga papeles. Kilala na umano niya ito dahil sa limang taong pagseserbisyo sa kanya kaya hindi siya naniniwala sa naturang mababaw na dahilan.
Hindi naman nagbigay ng pahayag si PDEA Undersecretary Dionisio Santiago sa naturang insidente dahil sa ang QCPD na umano ang humahawak ng imbestigasyon upang madetermina kung sinadya ngang magpakamatay ng biktima.
- Latest
- Trending