Ayala Life income up in Q1

Nagbabadya ang paglulunsad ng kaliwa’t-kanang kilos protesta sa Metro Manila na ikakasa ng mga progresibong militanteng grupo at iba pang mamalaking grupo ng mga  supporters ng Genuine Opposition (GO) kapag nagkaroon ng mala­wakang dayaan sa resulta ng eleksyon.

 Ito ang ibinabala kahapon nina Renato Cons­tantino, acting campaign manager ng GO at Nathaniel Santiago, Secretary General ng Bayan Muna sa panayam ng mediamen sa campaign head­quarters ng oposisyon sa Makati City.

Ayon kay Constantino, magsisipag-protesta ang taumbayan kapag minanipula ang resulta ng halalan pabor sa mga kandidato ng Team Unity (TU).

 Aniya, mistulang multo umanong uusig sa admi­nistrasyon kung magiging marumi ang resulta ng eleksyon tulad noong 2004 national election matapos na sumingaw ang kontro­bersyal na “Hello Garci.”

Hindi na umano papayag pang muli ang sam­bayanang Pilipino na maulit ang pandaraya sa halalan kaya dadalhin ng mga ito ang kanilang kilos protesta sa mga lansangan.

Sa panig naman ni Santiago, nakahanda ang kanilang grupo na bumanderang muli sa lansa­ngan kapag dinaya ang mga senatoriables ng oposisyon sa bilangan.

Show comments