Ayala Life income up in Q1
Nagbabadya ang paglulunsad ng kaliwa’t-kanang kilos protesta sa Metro Manila na ikakasa ng mga progresibong militanteng grupo at iba pang mamalaking grupo ng mga supporters ng Genuine Opposition (GO) kapag nagkaroon ng malawakang dayaan sa resulta ng eleksyon.
Ito ang ibinabala kahapon nina Renato Constantino, acting campaign manager ng GO at Nathaniel Santiago, Secretary General ng Bayan Muna sa panayam ng mediamen sa campaign headquarters ng oposisyon sa Makati City.
Ayon kay Constantino, magsisipag-protesta ang taumbayan kapag minanipula ang resulta ng halalan pabor sa mga kandidato ng Team Unity (TU).
Aniya, mistulang multo umanong uusig sa administrasyon kung magiging marumi ang resulta ng eleksyon tulad noong 2004 national election matapos na sumingaw ang kontrobersyal na “Hello Garci.”
Hindi na umano papayag pang muli ang sambayanang Pilipino na maulit ang pandaraya sa halalan kaya dadalhin ng mga ito ang kanilang kilos protesta sa mga lansangan.
Sa panig naman ni
- Latest
- Trending