Naghahanda nang matulog ang 28-anyos na mekanikong si Larry de Castro sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Baesa, Quirino Highway, Quezon City nang pasukin siya at pagbabarilin ng dalawang lalaki kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang mga nakatakas na suspek na nakilala lang sa alyas na J.R. at Jepoy. Hindi pa mabatid ang motibo ng pamamaslang habang isinusulat ito. (Danilo Garcia)