AP Canlas wins P55.9-B deal for expansion of Clark airport
Isang 56-anyos na basurerong si Rufy Cadag ng Bldg. 27, Temporary Housing, Vitas, Tondo, Manila ang namatay makaraang tadtarin ng saksak ng kapwa niya basurero sa harap ng kanyang anak sa naturang lugar kamakalawa ng hapon.
Nag-aayos umano ng napulot nilang mga plastik at papel sina Cadag at anak niyang si Rafael nang biglang dumating ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima. Agad na tumakas ang salarin.
Hindi makapagbigay ng deskripsyon hinggil sa suspek ang anak ng biktima dahil sa pagkatulala sa pangyayari. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending