Landbank launches special funds for SMEs

Dahil sa panibagong pagtaas kamakailan sa presyo ng langis, nais din ng mga drayber ng mga pampa­sahe­rong dyipni na madagdagan din ang singil sa pasahe.

Napaulat sa dzBB na kokonsultahin ng grupong pang­transportasyong Pasang Masda ang mga local chapter nito para pag-usapan ang paghiling nila sa pama­halaan na payagan silang magtaas ng singil sa pasahe nang 50 sentimo.  Nagpahayag umano ng pangamba si Pasang Masda President Roberto Martin na may mga kasunod pa ang pagtaas kamakalawa sa lokal na presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Martin na, kung magkakasundo sila ng ka­nilang mga chapter, magpepetisyon sila sa pama­halaan para sa dagdag na pasahe sa pampublikong sasakyan.

Show comments