^

Metro

Smart expands international voice text service to HK

-

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 24-anyos na apo ni “Comedy King” na umano’y nagtago dahil sa kasong pagpatay sa isinagawang follow-up operation sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng NBI Director Nestor Man­taring ang suspect na si Ro­well Quizon, isang singer/enter­tainer, anak ng yumaong Fred­die Quizon, ng Coral at Juan Luna Sts., Tondo.

Pinaghahanap din sina Mar­lon Dela Cruz at isang “Philip”, na ka­kut­saba ni Quizon.

Si Quizon ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ruben Rey­naldo Roxas ng Manila RTC Br. 12 dahil sa pag­patay sa isang Jeffrey Vergara, residente rin ng Tondo.

Ayon sa rekord, na­ga­nap ang pag­patay noong Disyembre 20, 2006 habang nagpapahinga umano ang biktima ay sinugod ng mga suspect at pinagtu­lungan patayin.

Pero ayon kay Quizon, hindi umano nila pinatay ang biktima kundi aksidente lamang ito makaraang maitulak ito at tumama sa semento ang ulo. Itinanggi rin ni Quizon na siya ay nagtago at sinabing nasa loob lamang siya ng kanilang bahay.  (Doris Franche)

COMEDY KING

DELA CRUZ

DIRECTOR NESTOR MAN

DORIS FRANCHE

JEFFREY VERGARA

JUAN LUNA STS

JUDGE RUBEN REY

QUIZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with