^

Metro

Underneath Natori

- Alma Anonas-Carpio -

Isang 48-anyos na lalaki ang namatay matapos na mag­baril ito sa sarili habang patuloy na nakikipambuno kay kamatayan sa pagamutan ang live-in partner nito na kanyang binaril ng tatlong ulit kahapon ng umaga sa Lungsod ng Pasig.

Ang biktima na patuloy na isinasailalim sa operasyon ay kinilalang si Palerma Marcado, 39-anyos at nakatira sa Camachile st., Nagpayong Brgy. Pinagbuhatan habang kinilala naman ang suspect na si Nilo Bacarro, 48, live-in partner ng una at isang retiradong Army at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ni PO2 Gino Dancel, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magka-live-in dakong alas-7:30 ng umaga.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito sa hindi pa mabatid na dahilan na umabot sa pamamaril ng suspect sa biktima.

Sa pag-aakalang napatay na niya ang kinakasama ay nagbaril din sa kanyang sarili ang suspect na dahilan ng agarang kamatayan nito.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

EDWIN BALASA

GINO DANCEL

LUNGSOD

NABATID

NAGPAYONG BRGY

NILO BACARRO

PALERMA MARCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with