Pagkatapos ng halalan, agad na ipinag-utos ni Paranaque Mayor Florencio Bernabe Jr. sa kanyang mga tauhan ang agarang paglilinis sa buong lungsod sa mga kalat na dulot ng nagdaang eleksyon. Pinakilos ni Bernabe ang city’s Social Waste Environmental Services Office (SWAESO) sa pangunguna ng OIC na si Willy de Ocampo na madaliin ang isinasagawang pagtatanggal ng mga election posters, billboards at iba pang campaign materials sa nagdaang halalan sa 16 na barangay sa lungsod.
Nais ng Alkalde na muling makita ang kalinisan at kagandahan sa lungsod. Sa nakalipas na tatlong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Bernabe, ang Parañaque ang tumanggap ng pagkakilala dahil sa kanilang exemplary beautification at cleanliness program. Noon lamang nakalipas na taon, kinilala rin ng International Alliance for Healthy Cities ang lungsod sa kanilang pagsulong sa waste disposal at cleanliness.