^

Metro

Shangri-La to build 6-star hotel at Ft Boni

- Ma. Elisa Osorio  -

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang binatilyo ng isang  grupo ng kabataan na pinaniniwalaang kalaban nito habang patungo sa isang karinderya sa Tondo, Maynila ka­hapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si  Conrad Pangilinan, alyas Jun-Jun, 16, residente ng Magsaysay, Tondo matapos na mag­­tamo ng tama ng bala ng baril sa ulo habang inaalam naman ng mga awtoridad ang  pagkakakilanlan ng grupong naka­away ng biktima na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya  dakong ala-1:45 ng madaling-araw ng naganap ang insidente sa kanto ng Herbosa at Quirino Sts., Tondo. Naglalakad ang grupo ng biktima patungo sa Cora’s Tapsilogan upang kumain subalit hindi pa man sila nakakarating sa nabanggit na kainan ay nakasalubong na ng mga ito ang grupo ng mga suspect kung saan agad na naghamon ng away.

Walang sabi-sabing agad na pinaputukan ng tatlong ulit ng suspect sa ulo ang biktima at saka mabilis na tumakas.  Hinala  ng pulisya na posibleng magka-away na grupo ang biktima at sus­pect  kung saan nais ng huli na makaganti sa una. (Doris Franche)

vuukle comment

CONRAD PANGILINAN

DORIS FRANCHE

HERBOSA

HINALA

QUIRINO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with