^

Metro

GO umangal: Media quick count pinatigil ng Comelec

-

Muntik  nang dumanak ang dugo sa pagitan ng mahigit 200 volunteers at mga ba­rangay tanod nang magpang-abot ang mga ito matapos na magwala ang grupo ng una nang hindi umano ipagkaloob ng kanilang barangay captain ang bayad sa kanilang pagba­bantay ng boto ni re-electionist Mayor Sherwin Gatchalian ka­makalawa ng gabi sa Valen­zuela City.

Dakong alas-11 ng gabi nang magsimulang magtipun-tipon ang mga watcher at mga political leader sa covered bas­ketball court sa Doña Ata, Brgy. Marulas, ng naturang lung­sod at hinahanap sa katabing ba­rangay hall ang chairman na si Dr. Lito Binoza.

Ayon sa mga galit na vo­lunteers, kinuha sila ni Binoza para maging watcher ni Gat­chalian at pinangakuan ng ha­lagang P700 kapalit ng ka­nilang serbisyo. Sinabi pa ng mga ito na pinun­tahan nila ang kanilang barangay captain nang ma­tapos ang halalan para kunin ang nasabing halaga subalit nagtago na umano ito.

Nagpang-abot naman ang mga volunteers at mga tanod nang tangkain ng mga galit na watcher na pasukin ang ba­rangay hall. Napigil lamang ang posibleng karahasan nang puma­ gitna ang mga pulis.

Ilang tauhan naman umano ni Mayor Gatchalian ang lumutang at nag-abot ng bayad sa mga galit na poll watcher. Hindi pa rin naman kuntento ang mga watcher dahil sa P500 lamang umano ang ibinayad sa kanila na kulang ng P200 ipina­ngako sa kanila. (Danilo Garcia)

ATA

DANILO GARCIA

DR. LITO BINOZA

MAYOR GATCHALIAN

MAYOR SHERWIN GATCHALIAN

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with