Military says Indonesian terror suspects still being pursued on southern island

Nagpapakita ng malaking kalamangan si Navotas Mayor Toby Tiangco at ang kanyang mga kasama sa Partido Navoteño sa isinagawang Quick Count at unofficial at partial reports ng Board of Canvassers at Comelec ng Navotas. Base sa quick count, si Mayor Toby Tiangco ay may botong 45,946 habang ang kalaban nito ay nakakuha ng 24,550. Samantalang sa vice mayor ay nakakuha si PJ Javier ng 38,389 na boto habang ang kalaban nito ay 27,045. Ang mga konsehal ni Mayor Toby Tiangco sa 1st at 2nd district ay napapabalitang land­slide din ang panalo at naghihintay na lamang ng kompir­mas­yon at proklamasyon mula sa Board of Canvassers at Comelec. Ang landslide na panalo ni Mayor Tiangco at buong Partido Navoteño ay inaasahan na sa Navotas dahil nang magsimula ang kam­panyahan ay walang humpay ang pagsa­lubong ng mga Navoteño kay Mayor Toby Tiangco sa tuwing siya ay magha-house-house o mag-campaign rally. Si Tiangco ay muling tumatakbo bilang mayor ng Partido Navoteño na kaalyado ng Genuine Opposition. Siya ay supor­ tado rin ni Pangulong Joseph Estrada at Susan Roces, may-bahay ng dating presidential candidate na si Fernando Poe Jr.

Show comments