24 piraso ng bomba nakuha
May 11, 2007 | 12:00am
May 24 na piraso ng World War ll (WW ll) vintage bomb, na nakalagay sa isang dump truck ng basura ang narekober ng pulisya na posibleng pagsimulan ng malaking trahedya kapag ito ay sumabog , sa Payatas, Quezon City.
Dakong 7:30 ng umaga nang ipagbigay alam sa military outpost sa Payatas ang natuklasang bomba ng mga pahinante ng dump truck na sina Jorge Angpana, Bryan Plaridad at driver na si Bob Castillo, pawang naninirahan sa Group 7, Gravelpit Road, Payatas.
Agad namang itinawag ng mga sundalo sa Camp Karingal ang natuklasang mga bomba, kung saan rumesponde na ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Quezon City Police District (QCPD) Explosive Office Division (EOD).
Nabatid sa driver ng dump truck na si Castillo, galing umano ang naturang mga bomba sa isang junkshop sa may Barangay Agwahan, Taguig City .
"Hinakot at ikinarga ng mga pahinante ko ang mga basura sa nasabing junkshop kabilang ang isang kahon, kung saan dito nakita ang mga nasabing mga vintage bomb", ani ni Castillo sa pulisya.
Ayon naman sa EOD, karamihan sa natuklasang 24 vintage bomb ay posibleng sumabog at kumitil ng maraming buhay. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended