^

Metro

Movie reporter/talent manager nagbigti

- Angie dela Cruz, -
Dahil sa matinding problemang pinansiyal, isang movie reporter at talent manager ang nasawi matapos magbigti kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing si Romeo San Diego Jr., alyas "Joey Diego", talent manager ng aktor na si Marvin Agustin at aktres na si Angelica dela Cruz, at naninirahan sa No. 35 Unit 1 Roseville Hometown, Samar Ave., South Triangle, Quezon City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ni San Diego ay nadiskubre ng kasambahay na si Shirley delos Santos dakong 5:30 ng umaga na nakabitin sa tabi ng hagdanan ng tinitirahan nito sa nabanggit na lugar. Nylon cord ang ginamit, nito sa pagpapakamatay.

Nabatid sa mga rumespondeng mga tauhan ng Scene on the Crime Operation (SOCO) ng Quezon City Police District, posible aniyang may apat na oras nang patay ang biktima bago ito matagpuan.

Sa pahayag naman ni Delos Santos, may ilang araw na umanong laging balisa si Diego dahil sa malaking problema sa pera.

Hinala naman ng pulisya, minarapat na lamang na magbigti ng biktima para matakasan ang lahat ng mga problema nito sa buhay lalo na ang pinansiyal.

vuukle comment

CRIME OPERATION

DELOS SANTOS

JOEY DIEGO

MARVIN AGUSTIN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROMEO SAN DIEGO JR.

ROSEVILLE HOMETOWN

SAMAR AVE

SAN DIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with