^

Metro

Taguig pinakamalinis na lungsod

-
Isang 10-year solid waste management program ang binalangkas ni Taguig City Mayor Freddie Tiñga upang isulong ang adhikaing maging Pinakamalinis na Lungsod ang Taguig sa Pilipinas. Sinabi ni Mayor Tiñga na ia-upgrade ng lokal na pamahalaan ang solid waste management system ng lungsod kung saan ipatutupad ang mas maayos at epektibong paghakot ng basura sa pamamagitan ng containerized at mechanized garbage collection.

Sa bisa ng City Ordinance No. 28 series of 2006, ang paglalagay ng ilang mobile garbage bins at technology transfer ay bahagi ng 10-taong programa sa basura ng lungsod. "Ang programa ay bilang pagsunod sa itinatadhana ng R.A. 9003 o ang Solid Waste Management Act sa hangarin namin maging pinakamalinis na lungsod sa buong Pilipinas ang Taguig," sabi ni Mayor Tiñga. Sa kasalukuyan, ipinatutupad na ng pamahalang lungsod ang ikalawang Yugto ng programa kung saan ang mga dating dump trucks ay unti-unti nang pinapalitan ng mga compactor trucks na may kapasidad na mag-angat ng garbage bins. Mahigit 14,000 segregation bins ang nakatakdang ipamahagi sa 18 barangay upang ipakalat sa buong Taguig at maayos na mahakot nang hiwalay ang mga basura.

vuukle comment

CITY ORDINANCE NO

ISANG

LUNGSOD

MAHIGIT

MAYOR TI

PILIPINAS

PINAKAMALINIS

SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

TAGUIG

TAGUIG CITY MAYOR FREDDIE TI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with