Disqualification case vs Peewee inatras ng whistleblower sa basura
May 10, 2007 | 12:00am
Mabigat man sa kalooban ay napilitang iatras ng isang barangay chairman ang disqualification case na isinampa nito sa Comelec laban kay dismissed Pasay Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad makaraang makatanggap ang una ng sunod-sunod na pagbabanta sa kanyang buhay pati na ang pamilya nito.
Ayon kay Juanito Delmendo, 49, chairman ng Barangay 177 at residente ng #15 Pagkakaisa St., Malibay, Pasay, na kabi-kabila ang natatanggap niyang banta sa kanyang buhay kabilang na ang pamamaril sa kanyang bahay noong Linggo.
Idinagdag pa ni Delmendo na inatras niya ang kasong disqualification laban kay Trinidad sa pag-asang mahinto na ang mga banta sa kanyang buhay at upang hindi na madamay pa ang kanyang pamilya. Umaasa rin ito na mabibigyan siya at ang kanyang pamilya ng sapat na police protection.
Noong Martes, personal na nagtungo si Delmendo sa tanggapan ni P/Senior Supt. Carlos De Sagun, deputy chief ng Pasay City Police, at ipinaalam ang naganap na pamamaril sa kanyang bahay noong nakaraang Linggo ng madaling-araw.
Narekober ng mga imbestigador ang bala sa bandang kanang bahagi ng concrete wall ng bahay ni Delmendo. Ito ang nagtulak kaya humingi ng police protection ang barangay chairman para sa kanya at sampu ng kanyang pamilya.
Binanggit pa ni Delmendo na mula nang ibunyag niya ang umano’y anomalya ng kontrata sa basura sa Pasay ay sunud-sunod na banta na ang kanyang natanggap. Matatandaang sinampahan ni Delmendo ng kaso sa Ombudsman si Trinidad at siyam na iba pang opisyal ng lungsod kung saan nasuspinde ang mga ito noong September 2006 na nauwi sa tuluyang pagsibak sa tungkulin ni Trinidad noong Enero 12, 2007. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended