Tropa ng militar inalis na sa MM
May 10, 2007 | 12:00am
Ipinag-utos na kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-pull out ng tropa ng militar sa mga depressed area sa Metro Manila upang pabulaanan ang plano ng ibang grupo na gagamitin ang mga ito para manalo ang mga kandidato ng administrasyon.
Ang anunsyo ay ipinahayag ni AFP chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. sa isinagawang turn-over ceremony ng isang daycare center sa Upper Nawasa Brgy. Commonwelath Quezon City kung saan siya ang panauhing pandangal.
Ayon kay Esperon, ang military pull out sa may 11 barangay sa Metro Manila ay kanya ng ipinarating kay Maj. Gen. Ben Dolorfino, National Capital Region Command chief at matatapos ito hanggang sa Biyernes.
Dagdag pa ni Esperon na isa sa mga dahilan ng ginawang military pull out ay upang pabulaanan ang mga sinasabi ng ilang grupo at mga oposisyon na gagamitin lang umano ang mga sundalo sa May 14 national at local election upang siguraduhing mananalo ang mga kandidato ng administrasyon, gayundin ang mga paratang ng ilang Partylist groups na nangha-harass ang mga sundalo katulad ng kanilang inirereklamo.
Hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Esperon ang tanong ng mga reporters kung ibabalik ang tropa ng military pagkatapos ng eleksyon. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended