^

Metro

Armored van holdap, 2 sugatan

-
Dalawa katao ang malubhang nasugatan sa armored van holdap na naganap, kahapon ng hapon sa Maynila.

Batay sa ulat, nakilala ang mga sugatan na sina Joel dela Cruz, bank escort at Gilbert Ramos. Sabog ang mukha ni dela Cruz habang nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa katawan si Ramos.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-2:40 ng hapon sa harap ng China Trust Bank sa #333 Empire State Building sa Juan Luna.

Ayon sa pahayag ng ilang saksi, kahihinto lamang ng armored van nang biglang salubu ngin ng isa sa mga suspect ang pagbukas ng van ay agad na hinablot ang isang duffle bag na naglalaman ng pera. Bunga nito, agad namang hinabol ni dela Cruz ang suspect subalit pinaputukan ito ng baby armalite sa mukha ng isa sa mga suspect.

Tinatayang siyam hanggang 10 suspect ang nagsagawa ng panghoholdap gamit ang iba’t ibang kalibre ng baril. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect gamit ang mga dalang motorsiklo. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BATAY

CHINA TRUST BANK

CRUZ

DORIS FRANCHE

EMPIRE STATE BUILDING

GILBERT RAMOS

JUAN LUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with