Nakumpiska sa posesyon nito ang tinatayang 721 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P1,153,600. Ang Ephedrine ang pangunahing sangkap sa paglikha ng shabu na pangunahing ipinapakalat sa Pilipinas. Nabatid sa ulat na isinagawa ang buy bust operation dakong alas-10 ng gabi noong Mayo 4 sa Binondo kung saan isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng naturang droga.
Dinakip ang suspek matapos na iabot sa buyer ang isang plastic bag na naglalaman ng naturang iligal na droga. Ang naturang operasyon ay bahagi ng konsentrasyon ngayon ng PDEA upang madakip ang mga high-profile na mga dayuhang drug traffickers na nasa bansa. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Law of 2002 kung saan pasok ito sa heinous crime dahil sa dami ng ebidensyang nakumpiska sa posesyon nito. (Danilo Garcia)