^

Metro

Not guilty plea inihayag ni Niño Muhlach

-
Nagpasok ng not guilty plea sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang dating child superstar na si Nino Muhlach sa isinagawang arraignment kahapon kaugnay ng kasong possession of illegal drugs na kinakaharap nito.

Si Muhlach, Angelo Jose Muhlach sa tunay na buhay, ay nakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o kilala sa tawag na Dangerous Drugs Act of 2002 nang maaresto ng PNP NCRPO noong Marso 13 sa Libis, Quezon City. Siya ay sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Gina Garcia sa ginanap na pagbasa ng demanda laban dito sa sala ni QC Regional Trial Court Branch 79 Judge Rafael Lagos.

Sa proseso ng arraignment, si Muhlach ay nagpasok ng not guilty plea sa kinasasangkutang kaso at nagharap ng mosyon para sa muling pag-imbestiga sa kaso. Ayon naman sa korte, ang motion for reinvestigation ay kailangang maisampa 5 araw mula nang isampa ang kaso. Hindi nagawa ni Muchlach ang naturang argumento ng korte. Kaugnay nito, pinagbigyan naman ni Judge Lagos ang hiling ni Muhlach na ma-lift ang warrant of arrest laban dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGELO JOSE MUHLACH

DRUGS ACT

GINA GARCIA

JUDGE LAGOS

JUDGE RAFAEL LAGOS

MUHLACH

NINO MUHLACH

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with