Dahil sa selos, misis kinatay ni mister
May 8, 2007 | 12:00am
Nagawang patayin ng isang mister ang kanyang misis dahil sa matinding selos nang pagsasaksakin niya ito saka hinostage ang sarili nang rumesponde ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD), kahapon ng madaling-araw.
Agad naman na napasuko ni P/Supt. Constante Agpaoa, hepe ng Batasan Police Station ang suspect na si Elmer Ponce, 29, taxi driver, at residente ng Sitio Uno, Kaliwa, Barangay Batasan.
Nagtamo naman ng mga tama ng saksak sa katawan ang 29-anyos na misis nito na si Marjorie na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa loob ng mga bahay ng Ponce. Lumalabas sa imbestigasyon na isang pagtatalo ang naganap sa pagitan ng mag-asawa dahil sa matinding pagseselos ni Elmer. Hinala ng mister na may ibang lalaki si misis na humantong sa komprontasyon. Lalo pa umanong nagsiklab ang galit ng suspek nang insultuhin ng babae hanggang sa makadampot ng patalim ang una at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang asawa.
Agad namang rumesponde ang tauhan ng QCPD at hindi naman agad napasuko si Elmer nang magkulong ito sa bahay at nagbabala sa mga pulis na magpapakamatay kapag sapilitang pumasok ang mga awtoridad.
Isang negosasyon ang naganap hanggang sa tuluyang mapasuko ang suspek dakong alas-3 ng madaling araw. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended