^

Metro

Suspension ni Binay ipinagpaliban ng DILG

-
Ipinagpaliban ng Department of Interior and Local Government ang pagsuspinde kay Makati City Mayor Jejomar Binay na nakatakda sanang ipatupad ngayong araw na ito. Sinabi kahapon ni DILG Secretary Ronaldo Puno na ginawa nila ang hakbang para maging patas sila ngayong panahon ng halalan.

"Para maging parehas, ipinagpaliban ko ang pagpapatupad ng preventive suspension (na ipinataw ng Ombudsman) kay Makati City Mayor Jejomar Binay habang panahon ng halalan," sabi ni Puno.

Nakatakda namang hilingin ni Puno sa Office of the Solicitor General na magsumite ng angkop na mosyon para sa muling pag-aaral sa suspension ni Binay.

Matatandaan na nitong Mayo 4, sinuspinde ng Ombudsman sina Binay at City Treasurer Luz Yamane sa loob ng anim na buwan dahil sa kasong administratibo na isinampa ni Councilor Oscar Ibay sa akusasyon sa pagkakaroon ng ghost employee sa payroll ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Kasabay nito, pinawalambisa ng Bureau of Internal Revenue ang freeze order na ipinalabas laban sa mga bank accounts ng Makati City government.

Nabatid na mismong si BIR Commissioner Jose Mario Buñag ang nag-utos na i-lift ang nasabing freeze order upang hindi na umano maantala pa ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng basic services sa mga residente ng Makati.

Noong May 2, nagpalabas ng garnishment order si BIR district officer Roberto Baquiran upang i-freeze ng mga bangko ang accounts ng city government at ang personal accounts ni Makati Mayor Jejomar C. Binay at City Vice Mayor Ernesto Mercado dahil sa hindi pagbabayad ng P1.1 billion na withholding taxes ng 8,000 empleyado mula 1999 hanggang 2002.

Kasabay nito, nilinaw nina Reps. Edwin Uy (Lakas-Isabela) at Eladio Jala (Lakas-Bohol) na walang nagaganap na "di-deklaradong" batas militar sa Makati City na tulad ng sinasabi ni Binay.

Umapela rin ang mga mambabatas sa mga taga-suporta ni Binay at sa mga awtoridad na maging mahinahon para maiwasan ang anumang marahas na komprontasyon. (Danilo Garcia, Rose Tamayo At Butch Quejada)

BINAY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CITY

CITY TREASURER LUZ YAMANE

CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

COMMISSIONER JOSE MARIO BU

COUNCILOR OSCAR IBAY

DANILO GARCIA

MAKATI CITY

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with