3 miyembro ng ‘Ipit Gang’, timbog

Selda ang kinahantungan ng tatlong miyembro ng kilabot na "Ipit Gang" nang masakote ang mga ito ng grupo ng mga traffic enforcer matapos holdapin ang isang dalaga sa loob ng pampasaherong jeep sa Malabon City. Nakilala ang mga nadakip na sina Mario Ignacio, 30, may-asawa, ng Blk. 13, Hito St. , Bgy. Longos, Malabon City ; Boy Cruz, 35, at Noel Jani, 34.

Ayon sa ulat dakong ala 1:00 ng hapon, nang maganap ang insidente sa loob ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng P. Aquino Avenue Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod. Ayon sa biktimang si Michelle Sy, 25, office secretary ng # 24 F. Padilla St. , Bgy. San Jose , Navotas, lulan siya ng pampasaherong jeep patungong Navotas nang gitgitin ng dalawa sa mga suspect at saka nagdeklara ng holdap ang mga suspect. Patakas na ang mga holdaper nang masakote ng mga traffic enforcer na hiningan ng tulong ng biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments