Vendors at drivers kinampihan ni Lim
May 2, 2007 | 12:00am
Tiniyak ni Senador Alfredo Lim na, kung mahahalal siyang muli sa pagka-alkalde ng Maynila, hindi na mabibiktima ng pangingikil at pang-aabuso ang mga sidewalk vendor at pedicab driver sa lunsod.
Ginawa ni Lim ang paniniyak nang humingi ng tulong sa kanya at sa teammate niyang si Joey Hizon kamakailan ang ilang grupo ng mga manininda at pedicab driver na ginagawa umanong "gatasan" ng ilang tiwaling tauhan ng Manila City Hall at pulisya.
Inirereklamo ng mga manininda ang pagkumpiska sa kanilang mga paninda na hindi naman naibabalik. Ang mga pedicab driver naman ay dumadaing sa hindi pagbalik sa kanila ng kanilang mga pedicab na nakukumpiska kung hindi sila magbibigay ng pera.
Kaugnay nito, sinisiguro ni Lim sa mga manininda at sa mga pedicab driver na mapapangalagaan ang karapatan ng mga ito sakaling makabalik siya sa city hall.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended