Maritoni Fernandez, tiklo sa shoplifting

Inaresto ang aktres na si Maritoni Fernandez, makaraang mang-umit ito ng 3 mamahaling pabango sa isang department store, kahapon ng tanghali sa Parañaque City.

Batay sa panayam kay SPO1 Joel Cuenca, desk officer ng Parañaque Police, dakong alas-12:30 nang arestuhin si Fernandez ng mga security guard ng Shopwise Department Store na sina Manolito Banatao at Nelson Nool sa aktong inuumit nito ang 3 mamahaling pabango.

Si Fernandez na residente ng Unit 105 Crisanta Condo, Javier St., Pasig City ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya kung saan ay kustodya ito ng Parañaque Criminal Investigation Unit.

Hindi naman nagbigay ng kanyang pahayag si Fernandez habang isinusulat ang balitang ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments