Anak ng ex-publisher, kinidnap
May 1, 2007 | 12:00am
Hinihinalang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang anak na lalaki ng namayapang newspaper publisher na si Jose Burgos, habang papauwi ito galing sa isang malaking mall sa Quezon City nitong nakaraang Sabado.
Nakilala ang biktima na si Jonas Joseph Burgos, 38, residente ng Tandang Sora, Quezon City at anak ni Jose Burgos na dating publisher ng pahayagang Malaya. Bukod sa kanya, nawawala rin ang kasamahan nito na nakilalang si Melissa Reyes at isa pang lalaki na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.
Sa pulong-balitaan na ipinatawag ni Edith Burgos, ina ng biktima, nawawala na ang kanyang anak mula pa noong Abril 28 dakong alas-6 ng gabi. Nabatid na nagpadala pa ng text message si Jonas sa ina na pauwi na ito matapos manggaling sa isang mall sa North EDSA sa nabanggit na lungsod, subalit hindi na ito nakita pa.
Nagpadala naman ng text message dakong alas-10:46 kamakalawa ng umaga si Jonas ngunit hindi umano nila maintindihan ang sinasabi nito. Nang kanilang tawagan, hindi na nila maintindihan ang sinasabi nito dahil sa hinalang posibleng pinilit itong magdroga. Hindi na muli nakontak si Jonas sa kabila na patuloy pa ring tumutunog ang cellphone nito.
Ayon kay Edith Burgos, miyembro ng grupong Karapatan, ang mga tauhan ng militar ang posibleng dumukot sa kanyang anak dahil sa pagiging aktibo nito sa mga gawain para sa mga magsasaka.
Nabatid na nagbibigay ng pagsasanay sa "agri-technology" si Jonas sa mga miyembro ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan na chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kaya maaari itong napag-initan ng military.
Nanawagan naman ang ina ng biktima sa military na pakawalan na ang kanyang anak kung hawak nila o kaya naman ay tumulong sa paghahanap dito upang mapatunayan na wala silang kinalaman sa insidente.
Nabatid na umaabot na umano sa 198 ang biktima ng "enforced disappearances" sa loob ng anim na taon ng pamahalaang Arroyo at maaaring idagdag na umano dito si Burgos at mga kasamahan kung patuloy na hindi ito mahahanap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended