Two of the few good men and women

In fairness ha, nakakagulat malaman na graduate na si Sa­rah Geronimo ng high school – she graduated yesterday sa Ange­licum college (home study program).

Iilan na lang kasi ang mga artista natin na totoong serious sa kanilang pag-aaral. At one good example si Sarah dahil never siyang nagreklamo na isinasabay niya ang school and career na hindi kayang gawin ng iba.

By this time, nag­paplano na raw si Sarah na kumuha ng entrance exam sa UP.

Dapat maging role model siya ng mara­ming kabataang artista na priority ang career kahit hindi naman sila ganun ka-busy sa ca­ reer. Lagi nilang sina­sabi na opportunity knocks only once at ayaw na nila itong pakawalan kaya hindi priority ang school.

Well, meron naman salitang time man­agement at malamang na yan ang ginawa ni Sarah kaya kahit so­brang busy ang career, nagawa niyang maka­tapos ng high school.

Busy pa siya sa lagay na yan. Ang dami niyang project.

Nagawa niya ang Bituing Walang Ning­ning na isang ma­laking tagumpay, nasa ASAP 07 siya, host ng Little Big Star at meron siya ngayong Love Spell.

Nagkaroon pa ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour.

Nothing is really impossible kung may tiyaga.

 

 

 

 

Show comments