^

Metro

Parak binoga ang utol

-
Nagawang patayin ng isang pulis na kuya ang sarili nitong kapatid makaraang kutyain umano ng huli ang ipinagmamalaking mga anak ng una, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng isang tama ng bala sa dibdib buhat sa kalibre .38 baril ang biktimang si Danilo Vitalli, 41, residente ng Block 33 Lot 4 Phase 1-B Agustin St., Maricaban ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang nakakatandang kapatid ng biktima na si Roger, 43, miyembro ng CALABARZON Regional Police at residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina PO3 Allan Valdez at Joel Landicho, ng Criminal Investigation Division (CID), naganap ang nabanggit na trahedya dakong alas-11:30 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng pamilyang Vitalli.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay unang nakitang masayang nag-iinuman ang magkapatid kung saan ay ipagmalaki umano ni Roger ang kanyang mga anak sa nakababatang kapatid na si Danilo.

Kinantiyawan umano ng biktima ang ipinagmamalaking mga anak ng suspect hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito at ilang segundo pa ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

Lumabas naman sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya na hindi intensiyon ng suspect na barilin ang kapatid at aksidente lamang umanong nakalabit nito ang gatilyo ng kanyang baril nang itutok niya ito sa biktima.

Nagawa pa umano ng suspect na isakay sa taxi at ihatid sa nabanggit na pagamutan ang biktima bago ito tuluyang tumakas. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALLAN VALDEZ

B AGUSTIN ST.

BATAY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO VITALLI

JOEL LANDICHO

PASAY CITY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

REGIONAL POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with