4 na holdaper timbog
April 28, 2007 | 12:00am
Arestado ang apat na kilabot na holdaper matapos na mahuli sa aktong nambibiktima sa isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Maynila.
Naghihimas ngayon sa rehas na bakal ang mga suspect na sina Ahmed Alcubar, 30; at Robert Guarino, 29, kapwa miyembro ng Bahala na Gang; Juanito Salmeo, 28, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at Ramon Amparo, 24 miyembro ng Batang City Jail.
Batay sa report na tinanggap ni Chief Insp. Benigno Macalindong, hepe ng Anti-Carnapping at Anti-Hijacking Section, sinabi nito na dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng Tomas Mapua St. at Claro M. Recto sa Sta. Cruz, Maynila.
Kasalukuyang nagsasagawa ng intelligence at surveillance operation sa lugar ng Sta.Cruz sina SPO3 Renato Perez at SPO2 Celso Tan nang mamataan nila ang komosyon sa loob ng isang pampasaherong jeep na may rutang Vito Cruz-Muñoz at may plakang DGM-403. Agad namang sinundan ng mga pulis ang nasabing jeep hanggang sa makita ng mga ito na kinukuha ng apat na suspect ang iba’t ibang personal na gamit ng mga pasahero.
Hindi tumigil ang mga suspect kung kaya’t nagpasya na ang mga pulis na mag-warning shot hanggang sa makorner ang mga ito. Nakuha sa mga suspect ang ilang cellphones, alahas at apat na patalim na ginamit ng mga suspect sa panghoholdap. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest