^

Metro

2 Intsik timbog sa droga at baril

-
Arestado ang dalawang Chinese national na pinaniniwalaang miyembro ng isang international drug syndicate makaraang makumpiskahan ng droga at baril ng mga elemento ng Northern Police District-District Anti-Illegal Drug (NPD-DAID) matapos na matiyempuhan ang mga ito habang nagwawala at nag-aaway sa kalsada kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Elpidio Chang Tiu, 36, binata, negosyante at Chang Long Non, 34, kapwa pansamantalang naninirahan sa #36-B. Gen. Tinio St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Base sa report, dakong alas-4:30 ng madaling-araw ng maaresto ang dalawang dayuhan sa tapat ng kanilang inuupahang bahay sa nasabing lungsod.

Napag-alaman, na pabalik na sa kanilang opisina ang mga operatiba ng DAID, galing sa isang surveillance operation nang madaanan ng mga ito ang dalawang suspect na nagwawala sa lugar at may bitbit pang baril.

Dahil dito, sinita ng mga pulis sina Tiu at Non, ngunit mabilis itong nagtakbuhan, kung kaya’t hinabol ito ng mga pulis at nang masukol ay kaagad na kinapkapan.

Dito ay nakuha sa dalawang suspect ang apat na plastic na may lamang pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng mahigit sa P800,000, isang UZI-sub-machine gun, isang kalibre .45 baril at mga bala. (Lordeth Bonilla)

ARESTADO

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CHANG LONG NON

ELPIDIO CHANG TIU

LORDETH BONILLA

TINIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with