^

Metro

13,000 parak ikakalat sa MM sa Labor Day

-
Dahil sa inaasahang kaliwa’t -kanang rally sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila sa darating na Labor Day sa Mayo 1 ay magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 13,000 kapulisan para magbigay seguridad sa anumang maaaring maging kaguluhan sa naturang araw.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Supt. Rommel Miranda, inaasahan ang mas kakaunting bilang ng grupo ng manggagawa ang magmamartsa sa Labor Day dahil sa abala sa nalalapit na eleksyon ang iba pang partido manggagawa.

Naka-hightened alert din sa gabi bago mag -May 1 ang buong puwersa ng kapulisan upang hindi malusutan ng mga terorismo na nais maghasik ng kaguluhan sa Metro Manila kaya bantay sarado din ang mga mahahalagang instilasyon katulad ng MRT, LRT, Pandacan oil depot, mga malls at ilang pang matataong lugar.

Ilan pa sa mga tututukang lugar sa darating na Araw ng Paggawa ay ang Liwasang Bonifacio, Mendiola, EDSA Shrine, at iba pang mga freedom park na kung saan doon magtitipun-tipon ang mga rali yista.

Tututukan din ng NCRPO ang paligid ng Malacañang upang hindi na maulit ang madugong May 1, 2003 rally na ginawa ng mga supporters ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Karamihan na magbabantay sa rally ay ang mga kapulisan galing sa Crowd Disturbance Management (CDM) unit mula sa limang distrito ng kamaynilaan. (Edwin Balasa at Danilo Garcia)

CROWD DISTURBANCE MANAGEMENT

DANILO GARCIA

EDWIN BALASA

LABOR DAY

LIWASANG BONIFACIO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with