Buhayin ang Maynila ticket nguna sa survey
April 24, 2007 | 12:00am
Siguradong ang mga kandidato ng Buhayin ang Maynila tiket sa pangunguna ni Mayoralty candidate Arnold "Ali" Atienza ang mananalo kung ngayon na isasagawa ang eleksyon. Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Asia Research Center Inc.mula Abril 5-17,2007 kung saan may margin error na 3 porsiyento at 3,000 respondents ang nakuha ni Ali ng 34 porsiyento kumpara sa pumapangalawang si Vice Mayor Danilo Lacuna na nakakuha lamang ng 22 porsiyento.
Maaaring ang pagtaas umano ng supporter ni Atienza ay bunsod na rin sa mga ipinapatupad na development projects nito bilang chairman ng Manila Inner City Development at Buhayin ang Maynila program ni Manila Mayor Lito Atienza.
Pumangatlo naman sa nasabing survey si Alfredo Lim na may 18 percent, Rodolfo Bacani na may 13 percent at ang umatras na si Maria Theresa Jimenez na may 8 percent. Habang umabot naman sa limang porsiyento ang nananatili pa ring undecided o hindi pa nakapagdi-desisyon kung sino ang kanilang iboboto.
Lumabas din sa nasabing survey na mas katanggap-tanggap si Ali sa mga kalalakihan at kabataang botante. Sa pagka-bise alkalde naman, nanguna din ang katandem ni Atienza na si Vice mayoralty candidate Don Bagatsing na may 33 percent habang sumunod naman sa kanya si Isko Moreno (Asenso Manileño) na may 28 percent lamang; Joey Hizon (25 percent); Robert Ortega (6 percent) at Grepor Belgica (5 percent).
Nabatid na gumamit ang Asian Research Center Inc. ng "face to face interview" sa pagkuha ng mga kasagutan ng mga respondent kung saan tinanong ang mga ito kung sino ang kanilang ibubotong alkalde, bise alkalde, kongresista at konsehal ng Maynila. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest