^

Metro

LRTA ninakawan ng sariling bodegero

-
Inutos kahapon ni Light Railway Transit Authority Administrator Melquiades Robles ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa isa nilang warehouseman na nahuling nagpupuslit ng materyales na gamit sa pagpapatakbo ng motor at aircon ng tren.

Kasong qualified theft ang isasampa ng legal department ng LRTA laban kay William Ramo, nakatalaga bilang bodegero sa depot ng naturang kompanya sa Pasay City matapos mahuli sa aktong ipinupuslit ang isang pirasong carbon brass na nagkakahalaga ng P8,000.

Nagsisilbi umanong tagabigkis ng daanan ng kuryente ang carbon brass upang mapatakbo nito ang motor at aircon ng mga tren.

Ibinalot ni Ramo sa dala niyang jacket ang ninakaw na gamit at isinilid sa dalang bag noong Huwebes subalit nasita siya ng mga alertong security guard. (Rose Tamayo-Tesoro)

HUWEBES

IBINALOT

INUTOS

KASONG

LIGHT RAILWAY TRANSIT AUTHORITY ADMINISTRATOR MELQUIADES ROBLES

NAGSISILBI

PASAY CITY

RAMO

ROSE TAMAYO-TESORO

WILLIAM RAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with