^

Metro

Textmate ginahasa

-
Isang binatang si Rolly Heber Montanez alyas Bob Vincent Altamerania ng Sampaloc, Manila ang inaresto at ikinulong ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa niya sa isa niyang textmate na dalagita kamakalawa ng hapon.

Lumitaw sa pagsisiyasat na textmate sa cellphone sina Montanez at ang 16-anyos na biktimang residente ng Novaliches, Quezon City na kapwa nagkasundong magkita at manood ng isang concert sa naturang lunsod noong Biyernes.

Pagkatapos ng concert bandang alas-3:00 ng madaling-araw ay niyaya ng suspek ang biktima na magpahinga sa Confiado Apartelle sa EDSA, Cubao.

Pero, nang natutulog na sa naturang apartelle ang biktimang itinago sa alyas na Gina, sinamantala ito ng suspek at dalawang ulit siyang ginahasa.

Kasunod nito, nagsumbong ang biktima sa kanyang ama na nag-report naman sa pulisya na nagsagawa ng entrapment operation hanggang madakip ang suspek sa España, Manila kamakalawa. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BIYERNES

BOB VINCENT ALTAMERANIA

CONFIADO APARTELLE

CUBAO

DANILO GARCIA

ESPA

QUEZON CITY

ROLLY HEBER MONTANEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with