Totoy kinatay ng 4 na bagets
April 22, 2007 | 12:00am
Isang 14-anyos na batang lalaki ang nasa malubhang kalagayan matapos itong pagtulungang saksakin ng apat na kapwa nito kabataang lalaki, habang ang una ay bumibili ng gamot sa isang drug store, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Nilalapatan ng lunas ngayon sa Tondo Medical Center (TMC) si John Louie Arevalo, out of school youth, ng Block 9, Lot 14, Phase 3-E, Brgy. Longos ng nabanggit na lung sod, nagtamo ito ng ilang saksak sa katawan buhat sa isang ice pick.
Nadakip naman ng mga pulis ang isa sa mga suspect na si Paolo Escalona, 17, ng Block 1-J, Phase 3, Dagat-Dagatan Avenue, Caloocan City, habang patuloy namang pinaghahanap ang tatlo pa nitong kasamahan na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente, dakong ala-1:30 ng madaling araw, sa Block 9, Phase 3, Langaray Street, Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Nabatid na kasalukuyang bumibili ng gamot sa isang drugstore ang biktima nang makursunadahan ito ng mga suspect at walang sabi-sabi itong pinagtulungang saksakin.
Bagama’t sugatan ay nagawa pa ring makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa mga nagpapatrolyang pulis na naging dahilan sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended