^

Metro

QC biktima ng black propaganda sa isyu ng carnapping – SB

-
Pumalag si Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte dahil sa bansag sa lungsod na carnapping capital ng bansa, gaya ng madalas na mapaulat.

Ayon kay Belmonte, ang lungsod ay biktima lamang ng black propaganda at gawa-gawa lamang ng isang carnap complainant-turned carjacker ang mga balita batay na rin sa mga sinasaad ng mga police reports.

Kaugnay nito, inutos ni Mayor Belmonte sa pamunuan ng Quezon City Police District na busisiin ang aktibidad ng isang carnap syndicate na pinaniniwalaang nasa likod ng mga bantang sirain ang imahe ng lungsod kaugnay sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa carnapping.

Nitong mga nakalipas na buwan, dalawang "fake carnap cases" ang nadiskubre ng QC police na naitala.

Sa dalawang kasong ito, ang umano’y complainant ay si Andre Delgado, 28, na isang US citizen ng #18 Vyron St. Filinvest II Batasan Hills, QC ay nadiskubreng siya ring perpetrator.

Una nang inutos ni Belmonte kay QCPD director Chief Magtanggol Gatdula na magsagawa ng massive manhunt para sa mga hinihinalang carjacker at sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Noong 2006 ang QC ay nakapagtala ng 175 cases ng carnapping o may pagbaba ng 55 percent o higit na mas mababa ito kaysa sa insidente ng carnapping noong 2005 na 312 cases. (Angie dela Cruz)

ANDRE DELGADO

BATASAN HILLS

BELMONTE

CHIEF MAGTANGGOL GATDULA

MAYOR BELMONTE

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with