Maid inaresto sa panloloob, pagpatay sa amo
April 20, 2007 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang maid matapos na makakuha ng ilang ebidensiya laban dito na may kinalaman sa panloloob at pagpaslang sa kanyang amo, kamakalawa ng umaga sa Binondo, Maynila.
Si Editha Ricablanca, 25, stay-in maid ng biktimang si Silverio Medel, 69, negosyante ay dinakip, habang dalawa pa nitong kasabwat na nakilalang sina Jonie Pamaon, 30 at Virgilio Peñaredondo Jr., 20 kapwa construction worker ay nakatakas nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad.
Nabuo umano ang planong pamamaslang at pagnanakaw sa biktima sa kanyang bahay sa Madrid St., Binondo sa pamamagitan ng text messages ni Ricablanca at ng dalawang suspect.
Naniniwala ang pulisya na posibleng pinapasok ni Ricablanca ang mga suspect dahil wala namang force entry sa bahay ng biktima hanggang sa matagpuan na ang bangkay ng negosyante.
Matapos na patayin kinulimbat din ng mga salarin ang pera, alahas at personal na gamit ng biktima.
Inihahanda na ang kaso laban sa katulong at dalawa nitong kasabwat. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended