Bahay grinanada: 5 sugatan
April 20, 2007 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ang lima-katao kabilang ang isang 3-anyos na bata makaraang hagisan ng granada ang tinutuluyang bahay ng mga ito na ikinasunog din ng may 60 pang kabahayan, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Patuloy na ginagamot sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang mga biktimang sina Regine Alagao, may-ari ng bahay na hinagisan ng granada, Reynaldo Pereras, 35; Aldegando Perena, 47; Shirley Nolasco 39, at Jemerein Banil 3-anyos, pawang nakatira sa Daang Bangka St. Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.
Ayon kay PO1 Clifford Hipolito, ng Pasig Police, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang mga biktima nang isang hindi kilalang lalaki ang naghagis ng granada sa ikalawang palapag ng tinutulugan nilang bahay na agad sumambulat.
Dahil sa halos dikit-dikit ang kabahayan sa nasabing lugar ay mabilis na kumalat ang apoy na likha ng pagsabog na ikinasunog ng 60 kabahayan dito. Umabot ang sunog sa ikatlong alarma bago ito naapula ng mga bumbero dakong alas-5:20 ng umaga.
Nailigtas naman ang mga nasugatang biktima at nadala kaagad sa pagamutan bago pa man masunog ang kanilang bahay.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang paglutas ng kaso at pagkakadakip sa suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended