^

Metro

Ama nag-suicide dahil sa utang

-
Isang ama ng tahanan ang nasawi matapos itong magpatiwakal dahil sa nais lamang umano nito na takasan ang kanyang mga utang kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Arsenio Mabini, 30, matapos itong magbigti ng nylon cord.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umuwi ang biktima galing sa bahay ng kanyang kapatid na si Francisco at nangutang ito ng pera. Ngunit hindi nakakuha ang biktima dahil wala ring pera ang kanyang utol. Napag-alaman, na nakipaglaro muna ang biktima sa mga anak nito at pagkatapos ay umuwi na ito sa kanilang bahay sa Kaingin St., Brgy. Tenejeros.

Nagpaalam ito sa kanyang kinakasama na si Rhoda Delgado na mauuna itong matulog subalit dakong alas-8 ng gabi nagulat ito nang pumasok sa kuwarto at makitang nakabigti si Arsenio.

Isang suicide note ang iniwan ng nasawi na rito nakasulat ang katagang "Mama mahal kita, sana mahalin mo mga anak ko, salamat sa lahat, mahal ko kayong lahat."

Napag-alaman pa ng Malabon City Police, na maraming utang ang biktima, kaya’t may hinala sila na nais takasan ng biktima ang kanyang mga utang kaya ito nagpatiwakal. Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nabanggit na kaso. (Lordeth Bonilla)

ARSENIO MABINI

ISANG

KAINGIN ST.

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NAPAG

RHODA DELGADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with