Bebot binigti ng kasintahang tomboy
April 19, 2007 | 12:00am
Dala ng matinding selos, binigti hanggang sa mapatay ng isang tomboy ang kanyang kasintahang babae, kahapon ng umaga sa Port Area, Manila.
Naitakbo pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit namatay din ang biktimang si Rosalie Logarta, 27, ng Blk. 5, Bagong Lupa, Port Area, Manila habang mabilis namang nakatakas ang karelasyon nitong tomboy na nakilala lamang sa pangalang Glen.
Ayon kay Det. Dennis Paul Javier ng Manila Police District- Homicide Section, dakong alas-9 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng matinding pagtatalo ang biktima at suspect na humantong sa pagbigti ng huli sa una gamit ang isang electrical cord.
Nang makita ng mga kapitbahay na umalis ng bahay ang suspect ay agad nilang tiningnan ang kalagayan ng biktima kung saan nakita nilang nakatali ang leeg nito habang nakahiga sa sahig.
Lumilitaw na nagseselos ang suspect sa umano’y isang kaibigan ng biktima. Ang biktima at suspect ay apat na taon nang nagsasama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am