Lalaki itinumba sa Payatas
April 18, 2007 | 12:00am
Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang pinaslang ng sindikato ng mga drug pusher kamakalawa sa Payatas, Quezon City. Isinalarawan ng mga awtoridad ang biktima na nasa pagitan ng edad na 40-45 anyos, may taas na 5’7 talampakan, nakasuot ng stripe na t-shirt, naka-tsinelas, maikli ang buhok at kulay- brown na pantalong maong.
Base sa ulat ni Payatas Police Station, dakong 8:00 ng gabi kamakalawa ng matagpuan ang duguang bangkay ng lalaki sa gilid ng Blk. 14, Gavel Pit Road, Payatas, Quezon City. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na bago natagpuan ang nasabing bangkay ay may narinig na sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente sa naturang lugar. Tadtad ng tama ng bala ng 9mm, pistol sa katawan. Hinala ng pulisya may kinalaman sa iligal na droga ang pagkakapaslang sa biktima kung saan isang pakete ng shabu ang narekober pa sa bulsa ng pantalon nito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended