2 inulan ng bala

Isang barangay tanod at isang karpintero ang nasugatan nang pagbabarilin sila ng isang grupo ng mga pasaway na kabataan sa Sta. Ana, Manila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang mga biktimang sina Milanio Dorica, 47, tanod sa Barangay 905 Zone 100 District 6 dahil sa tama ng bala sa hita; at Mamerto Macato, 51, may-asawa, kapwa residente ng 2457 J. Posadas St., Punta Sta. Ana, Manila sanhi ng tama ng bala sa likod.

Nagpapatrulya sina Dorica at Macato at iba pang opisyal ng barangay sa Punta nang makasalubong at pagbabarilin sila ng mga suspek na tumakas pagkatapos ng insidente. (Doris France)

Show comments