^

Metro

Parak, 1 pa itinuro sa holdap

-
Dalawang kilabot na riding in tandem tandem kabilang ang isang bagitong pulis ang nasakote ng mga operatiba ng Cubao Police sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Popoy Lipana, hepe ng Cubao Police Station ang hinihinalang mga holdaper na riding -in - tandem na sina PO1 Pio H. Cervantes, 31, miyembro ng PNP District Mobil Force, Pasig City at kasamang sibilyan na si Gerald Santos, 27, ng Cainta Rizal.

Ang nadakip na dalawang suspect ay lalong nadiin sa tanggapan ni Supt. Lipana nang dumating ang naging biktima na si Mila Simborio kasama ang mga testigo na nagpatunay na hinoldap siya ng mga ito noong Marso 16 sa Araneta Center, Cubao.

Sa imbestigasyon, alas-12:30 ng madaling-araw nang madakip sina PO1 Cervantes at Santos habang magkaangkas sa motorsiklo sa P. Tuazon Blvd. Kanto ng 8th St. Cubao habang muling nag-aabang ng mabibiktima.

Kaugnay pa rin ito ng "Oplan Sita" na inilunsad ng pulisya laban sa mga kahina-hinalang mga riding-in-tandem na nagsasagawa ng mga panghoholdap sa iba’t ibang lugar sa bansa. (Lordeth Bonilla)

ARANETA CENTER

CAINTA RIZAL

CUBAO POLICE

CUBAO POLICE STATION

DISTRICT MOBIL FORCE

GERALD SANTOS

LORDETH BONILLA

MILA SIMBORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with