Chief security ng BFAR niratrat, patay
April 14, 2007 | 12:00am
Pinaulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarin sakay ng isang motorsiklo ang chief security ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Navotas sanhi ng agad nitong kamatayan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Dominador Caadan Jr., 51, may-asawa at residente ng San Simon street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Hindi naman nakilala ang dalawang suspect na kapwa nakasuot ng helmet, habang ang isa ay naka-bonnet sakay ng isang motorsiklo.
Nabatid sa ulat na nag-iinuman ang biktima kasama ang mga kapitbahay sa tapat ng isang tindahan sa San Simon Street dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang biglang pumarada sa tapat ni Caadan ang mga suspect.
Agad na naglabas ng kalibre .45 ang angkas ng motorsiklo at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas nang ma tiyak na napuruhan na si Caadan.
Ayon sa asawa ng biktima, matagal na umanong nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang kanyang mister. Maaari umano na may kaugnayan ang naturang krimen sa kanyang trabaho bilang security officer ng BFAR sa Navotas City kung saan posibleng nasagasaan nito ang ilang sindikato.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended