Ayon sa source ilang taon nang namamayagpag ang tatlong hinihinalang smuggler na tinaguriang "Tatlong Itlog" sa NAIA.
Dahil dito, iniutos kahapon ni NAIA District Collector Carlos "Ding" So ang pagtatalaga ng karagdagang customs personnel sa mga warehouse sa paliparan upang suriin ng 100 porsiyento ang lahat ng shipment o kargamento na pumapasok sa paliparan.
Mahigpit nitong inatasan ang kanyang mga tauhan na huwag ipapalabas ang anumang kargamento na hindi dumadaan sa pagsusuri at hindi bayad sa tamang buwis.
Binalaan din ni So ang mga tauhan na lalabag o makikipagsabwatan sa mga smuggler.
Base sa ulat, ang tatlong hinihinalang smuggler ay may mga kapit na tiwaling opisyal at mga personnel sa Passenger Extension Arrival Area (PEAA) o Unteline Baggage Room na nasa NAIA Customs zone malapit naman sa Office of the Customs Collector for Passenger Services na siyang tumatanggap ng mga kuwestiyonableng kargamento at naipapalabas dahil sa umano’y kapalit ng halaga.
Ilan sa mga cellphone shipment ay pinagpaparte-parte upang mapalabas na mga spare parts lamang para sa mas maliit sa itinakdang tax nito.
Maging sa Port of Manila at Manila International Container Port ay nag-ooperate ang "Tatlong Itlog" kaya pinamomonitor na rin ang kilos ng mga ito. (Ellen Fernando)