Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Jimmy Tan, nasa pagitan ng edad na 35-40 anyos, at residente ng Ma. Clara St. cor. 10th Avenue, Gracepark, Caloocan City.
Agad namang nakatakas ang dalawang suspek na armado ng isang kalibre 9mm pistol at magka-angkas sa isang Enduro type na motorsiklo. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa kahabaan ng EDSA, Balintawak.
Ayon sa saksing si Joel Quina, enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakita niyang hinarang ng mga suspek ang biktima sa kalsada at hinablot ang dala nitong knapsack na bag.
Pumalag naman ang biktima kaya limang beses na pinaputukan ito ng isa sa mga holdaper. Nagtamo si Tan ng tama ng bala ng baril sa kanang balikat, kaliwang kili-kili at kaliwang tagiliran ng katawan sanhi ng kanyang kamatayan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek dala ang bag ng biktima sakay ng itim na motorsiklong Kawasaki na may plakang TM-5846).