^

Metro

Kelot kinatay ng kaibigan

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang kaibigan sa hindi malamang dahilan kamakailan sa Upper Bicutan, Taguig.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspect na nakilalang si Mohammad Ingkong, alyas Tisoy, ng Blk. 54, Lot12 Purok 2 Manalo St., Upper Bicutan, Taguig City.

Nakilala naman ang biktima na si Jaime Manalo, 34, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya naganap ang insidente noong nakaraang Martes dakong ala-1 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng nasawi. Nabatid na pinasok mismo ng sus pect na sinasabing may kasabwat pang dalawa ang tinutulugan ng biktima at doon ito ay sunud-sunod na sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na patalim.

Ayon sa ilang testigo matagal na umanong pinagplanuhan ng suspect ang pagpaslang sa biktima sa wala namang malinaw na dahilan. Nanawagan ang kaanak ng nasawi sa pulisya na mahuli sa lalong madaling panahon ang suspect para papanagutin sa isinagawang krimen. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

JAIME MANALO

MANALO ST.

MOHAMMAD INGKONG

TAGUIG CITY

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with