2 itinumba sa bilyaran
April 12, 2007 | 12:00am
Nasawi ang dalawang kalalakihan matapos na pagbabarilin ang mga ito ng isa sa tatlong suspect habang ang mga ito ay nanonood ng bilyar, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nasawi noon din ang mga biktimang sina Samuel Aquino, 35, binata at William Mina, 36, kapwa naninirahan sa Kasoy St., Area D, Barangay 178 Camarin ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ang mga ito ng tama ng mga bala sa ulo at katawan buhat sa kalibre .45 baril.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ngayon ng pulisya laban sa tatlong hindi nakikilalang suspect.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Carmelito Silvino, ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas- 8:00 ng gabi, sa isang billiard hall na matatagpuan sa Camarin Road, panulukan ng Zapote Road, Barangay 178, Camarin.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nanonood ang dalawang biktima sa mga naglalaro ng bilyar, ng biglang sumulpot ang tatlong suspect mula sa likuran at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo ang mga biktima at saka mabilis na nagsitakas sa hindi mabatid na direksyon.
Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang kaso at inaalam pa kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 27, 2025 - 12:00am
January 25, 2025 - 12:00am