Mag-asawang Koreano sugatan sa holdap
April 12, 2007 | 12:00am
Pinagbabaril ng mga hindi nakilalang holdaper ang dalawang Koreano makaraang tangayin ang tinatayang P100,000 cash sa tapat ng isang fastfood kahapon ng umaga sa Quezon City.
Isinugod sa Capitol Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Seo Chang Jun, 39; at asawa nitong si Jinalyn Lim, 24, kapwa residente ng La Vista, Katipunan ng nasabing lungsod.
Patuloy na kinikilala naman ng pulisya ang apat na suspect na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.
Ayon sa inisyal na ulat ng Baler Police station, dakong alas-11:25 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quezon Avenue at West Port, Brgy. West Triangle.
Nabatid na kalalabas lamang ng mga biktima sa nasabing fastfood at papasakay na sa kanilang sasakyan nang lapitan ng mga suspect na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril.
Dito ay sapilitang kinuha umano ng mga suspect ang handbag na dala ng mga biktima na naglalaman ng nasabing halaga. Tinangkang manlaban ng dalawang dayuhan kaya pinaputukan ang mga ito ng mga suspect.
Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang pamamaril patungo sa direksyon ng Elliptical Road habang agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended